Sinisiguro ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang water supply sa National Capital Region at mga karatig na lugar nitong panahon ng dry season.
Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na nais ng kanyang ahensya na mapanatili ang kasalukuyang alokasyon ng tubig sa gitna ng pandemya.
Aniya, ang mga mitigating measures ay inilalagay din upang maiwasan ang kakulangan ng tubig.
Ang mga water concessionaires ay nakapagtayo na ng mga water treatment facility sa Laguna Lake at Marikina River, bukod sa Angat Dam, na maaaring makatulong sa pagdaragdag sa supply ng tubig.
Tiniyak nito na kumpara noong 2019, mas handa ngayon ang ahensya sa pagtugon sa dry season.
VC: National Water Resources Board (NWRB) executive director Dr. Sevillo David Jr.