-- Advertisements --
Hindi na pinaporma ni Hungarian tennis star Marton Fucsovics si three-time Grand Slam champion Stan Wawrinka sa kanilang paghaharap sa ikalawang round ng Australian Open.
Nakuha kasi ni Fucsovics ang score na 7-5, 6-1, 4-6, 2-6, 7-6(9) para tuluyang ilampaso ang 17th seed Swiss tennis player.
Sinabi ng ranked 55 player na lasbi siyang napagod sa laro dahil sa hindi basta bumitiw si Wawrinka.
Susunod na makakaharap nito si Milos Raonic ng Canada.