-- Advertisements --
Catriona wax figure 2

Pormal nang pinasinayaan ang wax figure ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ng sikat na Madame Tussauds Singapore (MTS).

Ang nasabing wax figure ng pang-apat na Pinay Miss Universe ay replica ng kanyang “lava gown” noong makamit ang tagumpay taong 2018. Kompleto ito sa pagkakaroon ng sash, sapatos at accessories gaya ng hikaw.

Ang Filipino fashion designer na si Mak Tumang ang nasa likod ng naturang makinang at matingkad na kulay pulang gown ng 28-year-old half Australian beauty mula Bicol.

Taong 2020 pa dapat papasinayaan ang wax figure ni Gray, pero naipagpaliban dahil sa pandemya.

Unang itinayo ang wax museum sa London ng French sculptor na si Marie Tussaud noong 1835.

Mayroong humigit-kulang 21 sangay ang nasabing musem sa iba’t ibang panig ng mundo.