Matagumpay na nadepensahan sa ikalawang pagkakataon ni WBA Asia Super Featherweight champion Charly Suarez ang kanyang titulo kontra sa former Philippine Super Featherweight Champion na si Carlo Magali sa kanilang ginawang laban nitong weekend sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City. Natapos ang laban sa pamamagitan ng unanimous decision kung saan nagbigay ng scores ang mga judges na 119-109, 119-109 at 118-110 na lahat ay pabor kay Suarez.
Sa naging pahayag sa Star FM Baguio ng 34-year-old Pinoy boxer, pinasalamatan nito ang lahat ng kanyang mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa kanya at sinabi rin nito kung ano ang susi sa kanyang bawat matagumpay na laban.
“Dapat talagang part [sa bawat laban] ang physical strength, spiritual strength at ang team. Dapat magkakasama iyan para makamit [ang tagumpay]. Usually, ganyan naman ang ginagawa ng mga champion” .
Malinis ang record ni Suarez kung saan meron na itong 13 panalo, 7 knockouts at hindi pa nakakalasap ng pagkatalo.
Sa kasalukuyan, dalawa na ang belt na hawak ni Suarez. Kabilang diyan ang WBA Asia Super Featherweight at ang Philippine Super Featherweight belt.