-- Advertisements --

Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.

Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.

Kasabay din nito ay pinuri niya ang fighting senator dahil sa hindi na nito inalmahan ang desisyon nila.

“Thank you for being such a nice gentleman, thank you for your understanding… I was fooled, and I’m sorry about it,” ani Mendoza sa statement. “This is the 100 years of the WBA, the centennial year, you’re gonna be a Champion for Life. I’ll have a belt made and we’ll come with a resolution later.”

Tinanggap naman ni Pacquiao ang paghingi ng paumanhin ni Mendoza kung saan sinabi nito na ginagawa lamang ng WBA ang kanilang trabaho.

Plano rin nigayon ng WBA na bigyan ng pagkilala ang eight-division boxing champion kahit na tinalo siya ni Cuban boxer Yordenis Ugas.

Bibigyan nila ng “champion for life” belt si Pacquiao bilang bahagi ng pagdiriwang ng centennial celebration ng WBA.