-- Advertisements --
Nagpahayag ng interest si WBA welterweight champion Jamal James na makaharap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Isinagawa ng 32-anyos na American boxer ang pahayag matapos ang unanimous decision win laban kay Thomas Dulorme.
Sinabi nito na handa nitong patumbahin ang fighting senator.
Dagdag pa nito na wala itong pakialam kung gaano kasikat si Pacquiao at nais lamang nito ng magbigay ng magandang laban.
Huling lumaban si Pacquiao noong talunin niya si Keith Thurman noong Hulyo 2019.
Magugunitang ilang mga nakalinyang boksingero na interesadong makalaban si Pacquiao ay sina Terence Crawford, Errol Spence, Danny Garcia, Mikey Garcia at maging si UFC star Conor McGregor.