-- Advertisements --

Inatasan ng World Boxing Council si bantamweight champion Nonito Donaire Jr na idepensa ang kaniyang belt sa kapwa Pinoy na si Raymart Gaballo.

Ang nasabing laban ay isa sa mga mandatory fight mula sa WBC.

Dahil dito ay matatanggal na ang inaabangan rematch nito sa Japanese boxer na si Naoya Inoue.

Huling lumaban si Gaballo ng talunin sa pamamagitan split decision si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico noong Disyembre.

Pinatumba naman ng 38-anyos na si Donaire si Nordine Oubaali ng France noong Mayo sa loob lamang ng apat na rounds.

Hawak ni Donaire ang apat na weight classes na mayroong 41 panalo at anim na talo habang si Gaballo ay wala pang talo sa 24 na laban nito.