-- Advertisements --

Loop: WBC president Mauricio Sulaiman, Pacquiao Elorde Awards Night, Manny Pacquiao

Nakatakdang bumalik si World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman sa Pilipinas upang dumalo sa kauna-unahang Pacquiao Elorde Awards Night.

Ito ay magaganap sa darating na Marso 24, 2024 sa Okada Manila.

Ayon kay retired boxing superstar Manny Pacquiao, isang karangalan umano na maging guest speaker ang nasabing WBC president dahil isa siya sa mahuhusay at role model sa boxing world.

Anunsiyo naman ni Manny Pacquiao’s MP Promotions president Sean Gibbons na darating sa Manila si Sulaiman sa Miyerkules ng hapon.

Samantala, sa darating na Sabado ay dadalo rin si Sulaiman kasama ang dating Senador na si Pacquiao sa paghaharap ni Olympian Eumir Felix Marcial laban kay Thai Thoedsak Sinam na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium.