-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala si World Boxing Council (WBC) President Mauricio Sulaiman sa paghaharap nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.

Sinabi nito dapat baguhin ng organizer ang panuntunan sa nasabing September 12 exhibition fight.

tyson jones

Isa sa ikinakabahala nito ay ang kawalang ng head gear at ang laki ng gloves na gagamitin.

Magiging delikado aniya ang nasabing laban ng dalawa dahil sa edad na rin ng dalawang boxing legend.

Nasa 54-anyos na kasi si Tyson habang 51 na si Jones.

Dapat aniya na magsuot ang dalawa ng boxing head gear na ginagamit sa sparring at dapat gamitin ay 16 o 18 ounce gloves.

Base kasi sa napagkasunduan sa laban na gaganapin sa Los Angeles ay gagamit ang dalawa ng 12 ounce gloves at ito ay tatagal lamang ng walong rounds.

Umaasa na lamang si Sulaiman na pakinggan ng California State Athletic Commission ang kaniyang suhestiyon.