Tuluyan ng tinanggal ng World Boxing Council sa kanilang official ranking lists ang mga boksingero mula sa Russia at Belarus.
Kasunod ito sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay WBC President Mauricio Sulaiman, na nagpulong ang Board of Governors ng WBC at kanilang pinag-aralan ang nasabing sitwasyon.
Dito ay nagkasundo na tuluyang tanggalin sa world ranking list ang mga Belarusian at Russian boxers.
Unang pinatawan ng sanctions ng WBC ang isa sa pangunahing sanctioning bodies ng boxing ang Russian at Belarus boxers dahil sa insidente sa Ukraine subalit nakita nila na hindi ito sapat.
Nangangahulugan nito na hindi pa muna makakalaban sa anumang WBC world title ang mga boksingero ng Russia at Belarus hanggang hindi nila binabawi ang desisyon.
Humingi na rin ng paumanhin si Sulaiman sa mga boksingero ng dalawang bansa dahil sa nasabing desisyon.