Tuluya ng tinanggal ng World Boxing Council ang American boxer na si Ryan Garcia.
Kasunod ito sa pambabastos laban sa mga Black people at maging sa mga Muslims sa pamamagitan ng kaniyang livestream.
Inanunsiyo ni WBC President Mauricio Sulaiman ang nasabing kaparusahan.
Sinabi nito na bilang pangulo ng WBC ay kanilang tatanggalin si Garcia sa organisasyon.
Nangangahulugan nito na anumang aktibidad ng WBC ay hindi na isasama si Garcia.
Nag-sorry naman si Garcia kung saan sinabi niya na galit lamang ito sa mga nagaganap na patayan.
Wala aniya ito ng sama ng loob kahit kanino at nagpahayag pa ito ng pagmamahal sa kanila.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay sinuspendi ng New York State Athletic Commission si Garcia dahil sa pagpositibo ng performance enhancing drugs na nagresulta rin sa no-contest ang panalo niya kay Devin Haney noong Abril 20.