-- Advertisements --

Inatasan ng World Boxing Organization (WBO) ang bagong WBO world minimumweight champion Melvin Jerusalem na isagawa ang mandatory defense laban kay Oscar Collazo.

Si Jerusalem na mayroong record na 20 panalo at dalawang talo na mayroong 12 knockouts ay siyang nag-iisang world title holder ng bansa ngayon.

Nakuha nito ang titulo ng talunin si Masataka Taniguchi sa laban na ginanap sa Japan.

Si Collazo naman ay mayroong anim na panalo na wala pang talo at mayroong apat na knockouts.

Huling laban nito ng talunin si Filipino boxer Vic Saludar.

Binigyan ng WBO ang dalawang boksingero ng 15 araw para plantasahin ang negosasyon.