BACOLOD CITY – Nagmistulang ghost town ang siyudad ng Khartoum, Sudan matapos nag-mass general strike ang mga Sudanese bilang bahagi ng kanilang civil disobedience sa kasalukuyang military government. Sarado ang lahat ng mga establisyemento sa lugar maliban nalang ang mga state-owned banks and offices.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Abeer Fawzi El Touhami, isang former professor sa Khartoum, patuloy umanong magsasagawa ng peaceful protests ang mga Sudanese at handa umano silang magsakripisyo para makamit ang pagbabago na kanilang gusto.
Hindi rin aniya siya sigurado kung may makakatulong sa kanila mula sa international community sa mga nangyayari sa kanilang bansa.
“We are afraid that no one can help us now, at this time. But we hope that someday the international community can interfere and help. The people will continue to hold peaceful protest to have change, and we will be paying a high price for that change.”
Kung maalala, ilang linggo nang nagpoprotesta ang mga pro-democracy groups para mahimok ang Transitional Military Council (TMC) na ibigay sa civil-led government ang Sudan matapos ang kudeta na nagpatalsik kay former President Omar al-Bashir.
Nitong nakaraan, nagleak ang medical records kung saan naitala ang mga kaso ng rape ng mga protesters na umano’y kagagawan ng mga militiamen.