-- Advertisements --
Erik Spoelstra
Filipino American Heat coach Erik Spoelstra

Nagkukumahog umano ngayon sa paghahanap ng solusyon ang Miami Heat kung paano ang gagawin nilang diskarte sa Game 2 sa Sabado laban sa powerhouse team na Los Angeles Lakers.

Ayon kay Filipino American head coach Erik Spoelstra, meron silang 48 oras upang magplano sa panibagong depensa na ilalatag sa dalawang big men ng Lakers na sina LeBron James at Anthony Davis.

“We have 48 hours to figure out what the next plan of attack will be,” ani coach Spoelstra.

Una rito, tinambakan kanina ng Lakers ang Miami sa Game 1.

Ang zone defense ng Miami na nagparalisa sa Boston Celtics sa Eastern Conference finals ay naging “disaster” dahil hindi nila maharang ang mga atake ni LeBron at Davis sa paint.

“He was extremely good tonight and we have to be better,” pag-amin pa ni Spo.

Inamin din ni coach, kung tutuusin mas magaling ang inilalaro ng kanyang mga bata bago ang NBA Finals.

Sa ngayon wala namang magawa ang Fil Am coach kundi saluduhan na lamang ang outstanding performance ng Lakers habang mag-move on na rin sila sa next game.