-- Advertisements --
bam adebayo jimmy butler miami heat
Bam and Butler

Inamin ni Miami Heat All-Star Jimmy Butler na nagkampante sila sa Game 4 na naging dahilan upang talunin sila sa overtime game ng Milwaukee Bucks, 118-115.

Una nang nauwi muli sa injury ang kanang bukong-bukong ni reigning MVP Giannis Antetokounmpo sa unang bahagi ng second quarter.

Ayon kay Butler, nagmistulang natigil sa paglalaro sa “tunay na basketball” ang Miami.

Maging sa rebounds daw ay tinalo pa sila, samantalang kulang ang Bucks.

Sa ngayon abanse pa rin ang Heat sa 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference semifinal series.

Batay sa kasaysayan ng NBA, wala pang nakabangon na team mula sa 3-0 deficit.

Pero aminado ang Miami coaches at players sa kabiguan nilang agad na tapusin ang serye kahit hindi natapos ng Bucks best player ang Game 4.

“We were getting outrebounded,” ani Butler. “It was just all bad.”

Maging big man ng Heat na si Bam Adebayo ay tanggap ang kakulangan ng kanilang “effort” sa laro kanina.

Hindi raw nila ginawa ang matinding opensa at depensa tulad noong “Game 1, Game 2 and Game 3.”

“They really deserved to win this game,” ani Fil Am Heat head coach Eric Spoelstra sa papuri sa inilaro ng Bucks.

Ang Game 5 ay gagawin sa Miyerkules na magsisimula alas-6:30 ng umaga.