NAGA CITY -Posibleng maranasan umano ang weak El Niño na nararanasan ngayon sa Pilipinas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Naga ni Edna Juanillo, chief ng Weather Services Climatology and Agrometeorology Division ng nasabing ahensiya.
Kinumpirma nito na pinalawig pa ang epekto ng El Niño hanggang sa bulan ng Oktubre mula sa una ng prediksiyon na tatagal ito ng hanggang Hunyo.
Batay na rin umano ito sa mga bagong model prediction na tinitingnan ng Pagasa.
Tulad aniya ng dati na nilang idineklara, weak El Niño pa rin umano ang mararanasan sa bansa.
Ngunit hindi pa rin maiiwasan ayon sa opisyal ang impact ng tag-init dahil sa tagal ng durasyon ng mararanasang init.
Umaasa naman ang opisyal na makakaranas na kahit papano ng pag-ulan sa mga susunod na buwan lalo pa’t papasok na rin umano ang buwan ng Hunyo at Hulyo.