Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan hanggang sa pagkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan ang ilang weather systems sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
Batay sa pagtataya ng Bombo Weather Center, Shear Line ang makakaapekto sa bahagi ng Visayas at silangang bahagi ng Southern Luzon.
Makakaapekto naman ang umiiral na Northeast Monsoon o Amihan sa nalalabing bahagi ng Luzon habang inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan ay kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies sa Caraga at Davao region ngayong araw.
Asahan naman ang parehong lagay ng panahon sa Bicol Region, Eastern Visayas, Laguna, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, at Capiz epekto ng Shear Line.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan.
Posible rin ang katamtaman hanggang minsan na malakas na pag-ulan, sa bahagi ng Caraga, Davao de Oro, at Davao Oriental epekto ng Easterlies.
Northeast Monsoon naman ang makakaapekto sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora , Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ngayong araw.
Sa nalalabing bahagi ng bansa ay asahan na ang maulap na kalangitan at isolated light rains dulot ng Easterlies .