-- Advertisements --

Nakahanda na umano ang gumawa ng website, kung saan lumabas ang “Bikoy” videos na idiin ang mga nasa likod nito, ngayong hawak na siya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Rodel Jayme, ang tanging papel lamang niya ay ang paggawa ng website at hindi na niya alam ang mismong laman ng video.

Pakiramdam daw niya ay na-traydor siya ng ka-deal para sa paglikha ng webpage na ukol sana sa kampanya.

Si Jayme ay nahaharap na sa kasong inciting to sedition dahil sa nilalaman ng mga video ni alyas Bikoy.

Matatandaang laman ng mga lumabas na clips ang pag-uugnay sa pamilya Duterte at ilang opisyal sa isyu ng iligal na droga at iba pang iligal na transaksyon.

Samantala, nanindigan si Liberal Party (LP) president Sen. Kiko Pangilinan na walang kinalaman ang kanilang grupo sa “Bikoy” videos.

Aniya, abala sila sa mas mahahalagang bagay, katulad ng kampanya.