-- Advertisements --

Tiniyak ni SC Spox. Atty. Camille Ting sa publiko na ligtas na sa ngayon ang aabot sa 13,000 records ng korte kabilang ang mga proseso nito at resulta ng bar examination matapos na mahack ang kanilang website.

Ayon kay Ting, napasok ng hacker ang kanilang websitengayong araw dahilan para ma kumpurmiso ang mga mahahalagang datos ng korte.

Sa isang media post lamang aniya nila nalaman na nahack ang kanilang website.

Dahil dito ay kaagad silang nakipag-ugnayan sa kanilang Management Information Systems Office para mabawi ito.

Siniguro rin ni Atty. Ting sa publiko na naglaan sila ng kakulang cybersecurity sa kanilang mga data para maprotektahan ito laban sa mga hacker.