Makatwiran para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsara sa premier military school sa bansa ang Philippine Military Academy (PMA) sa mga turista kapag weekdays.
Ayon sa kalihim, ang PMA sa Baguio City ay hindi dapat kinukunsidera bilang tourist destination dahil makaka-apekto sa school activities ang buhos ng mga turista na bumibisita duon.
Pero ayon kay Lorenzana, hindi naman nila isasara sa mga turista ang PMA.
Aniya, ang closure sa PMA ay weekdays lamang at bukas pa rin ito sa mga turista kapag weekends at holidays.
Una ng inanunsiyo ni PMA Spokesperson Col. Harry Ballaga ang pagsara ng ng academy sa weekdays simula January 23,2019.
Paliwanag ni Ballaga, nakaka-apekto kasi sa training ng mga cadets ang buhos ng mga turista sa loob ng eskwelahan.
Bukas ang academy kapag Sabado at Linggo, dahil naka weekend break ang mga kadete.