Magkakaroon ng weekly inspection ang Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office (CCDRRMO) sa mga barangay nitong lungsod kung saan pinapayagan ang pagbebenta ng paputok upang maiwasan ang mga insidente ng sunog lalo na’t papalapit na ang holiday season.
Isinasagawa ito nang maaga dahil may ilang nagtitinda ng paputok na nagtayo na ng mga stall.
Napag-usapan sa inisyal na pagpupulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung paano magkaroon ng “fireproof” holiday season.
Hinihintay na lamang ng CCDRRMO ang datos mula sa BFP para matukoy kung aling barangay ang uunahin.
Pinaalalahanan din ang mga nagbebenta ng paputok na walang business permit na kung sila ay mahuli ay bibigyan ng notice for violation at kumpiskahin ang kanilang mga paninda.
Samantala, mahigpit na binabantayan ng pulisya sa rehiyon ang pagbebenta at paggawa ng mga ipinagbabawal na mga paputok.
Hinihikayat naman ang publiko na maging mapagbantay sa mga produktong bibilhin at mas mainam na huwag na lamang gumamit ng mga paputok ngayong holiday season, sa halip ay unahin ang kaligtasan.