Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na tututukan nito sa Kongreso para maipasa ngayong taon ang lahat ng natitirang tax reform packages ng Duterte administration.
Kabilang na rito ang package 2 ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na layong babaan ang corportate income tax, package 2 plus o ang dagdag buwis sa mga nakalalasing na inumin, package 3 o ang property evaluation o pagbabago sa mga buwis sa mga ari-arian at package 4 o ang iba pang financial taxes.
Sinabi ni Finance Usec. Karl Chua, hindi masyadong nagagamit ng DOF ang ugnayan nito sa Kongreso.
Ayon naman kay Sec. Carlos Dominguez III, dapat dalasan ang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council para sa pagsalang ng DOF sa committee hearing sa Kongreso ay mas maging buo ang posisyon nito sa tax reform packages.
Nagsimula na aniya ang mga pulong ng DOF nitong July 1 at inutos ni Sec. Dominguez na gawin ito apat na beses kada buwan para mas madiin sa mga mambabatas ang kahalagahan ng mga panukalang batas.
Maliban sa DOF, sasama rin sa pulong ang National Economic Development Authority at Department of Budget and Management.