Mas mabigat nang bahagya ang unbeaten IBF at WBC welterweight champion na si Errol Spence Jr. kumpara kay Danny Garcia sa ginanap nilang official weigh-in, bago ang laban bukas.
Tumimbang si Spence sa 146.4 pounds na kung tutuusin ay mas magaan pa sa huling laban niya noong nakaraang taon kontra kay Shawn Porter.
Samantala si Garcia, 32, ay nagtala naman sa 146.8 pounds.
Sa ngayon si Spence (26-0, 21 KOs), mula sa DeSoto, Texas, ay liyamado pagdating sa mga oddsmakers na nasa 4-1 favorite na mananalo.
Si Garcia (36-2, 21 KOs) ay dating WBA/WBC welterweight at junior welterweight champion mula sa Philadelphia.
Ididepensa ni Spence, 30, ang kanyang hawak na titulo sa IBF at WBC welterweight titles.
Ang kanilang bakbakan ay bahagi ng Fox sports pay-per-view.