-- Advertisements --
Itinuturing ngayon na maging unang transgender athlete na sasabak sa Olympics ang weightlifter ng New Zealand na si Laurel Hubbard.
Ito ay matapos makumpleto nito ang qualifying requirements para sa Tokyo Olympics.
Ayon sa New Zealand Olympics Committee (NZOC) na binago ng International Weightlifting Federation (IWF) ang qualifying requirements dahil sa COVID-19 pandemic.
Dati ay anim na competition event na dapat salihan ng atleta at ngayon ay ginawang apat na lamang.
Dating lumalaban ang 43-anyos na si Hubbard sa men’s weightlifting competition bago ito nagpalit ng kasarian noong 2013.