Nakabalik na ang sports na weightlifting sa Palarong Pambansa.
Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, na naging maganda ang resulta ng kanilang pakikipag-usap ng mahigit 15 taon para maisama ang sports sa Palarong Pambansa na gaganapin mula Mayo 24 hanggang Hunyo 2 sa Laoag, Ilocos Norte.
Dagdag pa nito na tumulong din si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz Naranjo para maibalik ang nasabing sport.
Umaasa rin ito na susunod din ang Commission on Higher Education para makahanap ang bansa na pambato sa mga international sporting events.
Pinasalamatan ni Puentevilla si Department of Education Secretary Sonny Angara dahil sa pagsali sa nasabing sports.
Sakaling makakatulong ang mga local government unit na makabili ng mga equipment ay natitiyak niya na maraming medalya na ang maibubulsa ng Pilipinas sa Olympics.