Posibleng walang magaganap na weightlifting event sa mga Olympic Games dahil sa patuloy na imbestigasyon sa nagaganap umano na kurapsyon.
Ayon sa Internatioanl Olympic Committee (IOC) na maraming mga reklamong kurapsyon ang kanilang iniimbestigahan sa kasalukuyan.
Isa dito ay kinasasangkutan ng dating pangulo ng International Weightlifting Federation (IWF) na si Tamas Ajan.
Ilan dito umano ay ang vote buying, doping cover-ups at ang hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng asosayon na aabot sa $10.4 million.
Inamin ni IOC President Thomas Bach, na nagulat sila sa reklamong nagsulputan sa nasabing asosasyon.
Tiniyak nito na magiging patas ang gagawin nilang imbestigasyon.
Paglilinaw din nito na hindi sila magbibigay ng accreditation para sa Tokyo Olympics sa susunod taon sa mga sangkot na opisyal na iniimbestigahan.