Hinatulang guilty ng New York court ang Hollywood producer na si Harvey Weinstein sa third-degree rape at first degree criminal sexual act.
Binubuo ng pitong lalaki at limang babae ang jury at inilabas ang hatol sa ikalimang araw ng deliberasyon.
Dahil dito ay mahaharap ang 67-anyos na si Weinstein ng 25 taon pagkakakulong.
Naibasura naman ang kaso nitong serious count of predatory sexual assault habang nahaharap pa rin ito sa assault ng dalawang babae noong 2013 sa Los Angeles.
Nasa 80 babae ang nag-aksusa kay Weinstein kabilang na ang actress na sina Gwyneth Paltrow, Uma Thurman at Salma Hayek.
Ang alegasyon ay naging sentro ng #MeToo movement na nagtulak sa mga kababaihan na lumantad.
Mariing pinabulaana ni Weinstein ang alegasyon sa kaniya lalo na ang sexual assault sa dating production assistant nitong si Mimi Haleyi noong 2006 at ang paggagahasa kay Jessica Mann na dating actress.
Ang third degree rape charge ay isang uri ng panggagahasa sa biktima na edad 17.
Wala naman daw pagkabahala si Weinstein sa pagharap nito sa korte at mapayapang kausap nito ang abogadong si Donna Rotunno.
samantala itinakda naman ang pormal na pagsentensiya kay WeinStein sa March 11.