-- Advertisements --
Harvey Weinstein
Weinstein/ FB photo

Naghain ng not guilty plea sa Manhattan court ang movie producer na si Harvey Weinstein sa dalawang bagong predatory sexual assault nito.

Iginigiit kasi ng abogado nito na ang mga reklamo laban kay Weinstein ay gawa-gawa lamang at ito ay kagustuhan din ng mga biktima.

Sa kabuuan ay mayroon ng limang kaso ito na binubuo ng two counts ng predatory sexual assault, one count of criminal sexual act in the first degree at one count each sa first-degree rape at third degree rape.

Ayon pa sa prosecutors na hindi nagbabago ang naunang kaso sa panibagong reklamo na kinakaharap nito.
Magsisimula ang pagdinig ng kaso nito sa Enero 6 kung saan nakahandang humarap din ang isang nagrereklamo na si “Sopranos” actress Annabelle Sciorra.

Magugunitang inireklamo ng ilang mga Hollywood actress si Weinstein ng panggagahasa.