-- Advertisements --
Nahaharap muli sa anim na panibagong kaso ng sexual assault si daitng Hollywood producer Harvey Weinstein.
Ayon sa Los Angeles District Attorney, na ang bagong kaso ay mula sa dalawang biktima sa insidente na nangyari mahigit 10 taon na ang nakalipas.
Base sa reklamo na ginahasa niya umano ang babae sa isang hotel sa Beverly Hills mula 2004 at 2005 at ginahasa muli ang isang babae noong November 2009 at November 2010.
Umaabot na sa 11 sexual asault na kaso ang kinakaharap ngayon ni Weinstein.
Magugunitang noong Marso ay hinatulang makulong ng 23 taon ito dahil sa rape at sexual assault ang 68-anyos na si Weinstein.