Welcome sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang bagong commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, masaya sila sa appointment ni Aguirre at handa silang makasama ito sa trabaho.
Nabatid na ang NAPOLCOM ay attached agency ng Department of Interior and Local Government na sya namang may kontrol sa PNP.
Sila ay may kapangyarihan na mag-adminsiter ng police entrance examination, mag-imbestiga sa kinasasangkutang anomalya at iregularidad ng mga pulis at magsagawa ng dismissal proceedings.
Samantala, sinabi naman ni Aguirre sa isang pahayag na sisikapin nyang mapagbuti pa ang NAPOLCOM. Nagpapasalamt din sya sa Pangulo sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Bago napunta sa NAPOLCOM, si Aguirre ay nagsilbing kalihim ng Department of Justice sa ilalim ng Administrasyong Duterte simula 2016 hanggang 2018.
Siya ay itinalaga sa pwesto matapos mamatay nitong January 2 si dating NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aguirre natuwa siya sa pagkakatalaga sa kaniya ng Pangulo.
” My appointment to the NAPOLCOM carries with it the challenge to address the concerns and the stumbling blocks toward a better police force that will serve and will protect our countrymen,” mensahe ni Aguirre.