-- Advertisements --

LA UNION – Pinagpalamayan na ngayon ang isang welder apprentice na nakuryente dahil sa tangka umano nitong i-operate ang welding machine sa Barangay Amallapay sa bayan ng Tubao, La Union.

Nakilala ang biktima na si Allan Mapalo, 22, residente ng Barangay Halog East sa nasabing bayan.

Base sa ulat ng Tubao Police, nakamali umano sa pagkabit ng kawad ng welding machine sa poste ng kuryente ang biktima kaya nakuryente.

Isinugod sa La Union Medical Center ang biktima ngunit binawian din ito nga buhay.