CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang isang welder nang aksidenteng matumba at mabasag ang bote ng inumin na inilagay sa tagiliran ng kanyang katawan.
Nakilala ang nasawi na si Michael De Guzman Hibrada,55 anyos,may asawa at residente ng Sitio Manding Barangay Gili-gli Pikit North Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na lasing ang biktima nang umuwi at aksidenteng natumba di kalayuan sa kanyang tahanan.
Nagtamo si Hibrada ng maraming sugat sa gilid ng kanyang katawan nang mabasag ang dala-dala nitong bote ng inumin.
Ilang oras pa bago nakita ang biktima ng kanyang mga kapitbahay kaya binawian na ito ng buhay dahil naubusan ng dugo sa katawan.
Wala namang nakitang foul play ang Pikit PNP sa kanilang imbestigasyon sa sinapit ng biktima.