-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang welder sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Arnel Quejada Siega, 40 anyos,may asawa at residente ng Dilangalen Street Brgy Poblacion 6 Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nakaupo lamang ang biktima malapit sa tindahan ng pastil hindi kalayuan sa kanyang tahanan ng itoy biglang lapitan ng isang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa minamaneho nang naghihintay nitong kasama.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaslang sa biktima.