Pinabagsak ni Pinoy boxer knockout puncher Weljon “Triggerman” Mindoro ang katunggali nitong Brazilian national na si Lucas de Abrue sa third-round middleweight match nitong araw ng Linggo, Nobyembre 10 na ginanap sa Osceola Heritage Park sa Kissimmee, Florida.
Ipinarada ng tubong Dumingag, Zamboanga del Sur ang kanyang unbeaten record na 13 panalo at wala pang talo na may isang draw kung saan lahat ng panalo nito ay nagtapos sa knockouts na asintang patibayin at pataasin pa ang kanyang estado sa world rankings.
Mayroon namang four-fight losing skid ang dating Brazilian super-middleweight titlist na unang sabak nito ngayong taon matapos ang isang taong pamamahinga kasunod ng tatlong sunod na pagkabigo noong nagdaang taon
Maituturing na isa sa mga bigating boksingero ang 5-foot-11 boxer na nanunuluyan sa Bacoor, Cavite na nagsimula lamang sumabak sa boksing noong Abril, 2019, tangan ang 100 porsiyento sa knockout.
Bago ito lumipad ng Estados Unidos ay pinadapa muna nito sa first round si Japanese Mao Tameda, habang nagtapos sa split draw ang laban kontra hard-hitting Takeshi Inoue noong Mayo 13, 2023 sa Okada Manila Hotel and Casino para sa World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific welterweight belt. (report/ news by Bombo John Flores)