Inaalam pa raw ng Department of Justice (DoJ) kung ano ang dahilan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung bakit hindi pa nila puwedeng palayain ang isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Sy.
Pero ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posibleng isang bilang lamang ng kaso ang nabayaran ni Sy na nasampahan ng 17 kaso ng estafa sa pamamagitan ng falcification of officials documents matapos pekehin ang pirma ng mga pasyenteng namatay na o hindi naman talaga nag-e-exist.
Sa ipinadala namang text message ng abogado ni Sy na si Atty.Rowell Ilagan, wala umanong directors sa tanggapan ng NBI sa ngayon dahil weekend kayat hindi nila puwedeng pakawalan ang doktor.
Pero nanindigan si Ilagan na dapat ay palayain na ang kanyang kliyente matapos magpiyang ng P72,000 at nakakuha na rin ng release order sa korte.
Nakaladkad ang pangalan ni Sy sa nabunyag na ghost dialysis patients sa WellMed Dialysis Center.
Maliban kay Sy, kabilang din sa mga sinampahan ng kaso sina dating WellMed Asst. Branch Manager Edwin Roberto at PhilHealth officer Liezel Santos.
Una rito, inamin ni Santos na siya mismo ang namemeke sa pirma ng mga ghost patients pero dahil na rin sa Direktiba ni Sy.