-- Advertisements --
terence crawford 1
WBO champ Terence Crawford

Kapwa pasok sa 147 pound limit sa welterweight division sina WBO king Terence Crawford at dating IBF champion Kell Brook.

Sa katatapos lamang na official weigh-in na ginanap sa Las Vegas tumimbang sa eksaktong 147 pounds si Brook habang mas magaan naman sa 146.4 pounds si Crawford.

Si Crawford (36-0, 27 KOs) ng Nebraska at binansagan ng ilang grupo na best pound-for-pound boxer sa buong mundo ay itataya ang kanyang korona bukas sa ikaapat na pagkakataon matapos talunin noong 2018 sa 9th round ang Australian na si Jeff Horn.

Kung maaalala si Horn naman ay nagtala nang upset nang pahiyain noon si Sen. Manny Pacquiao.

Una nang sinabi ng Top Rank CEO na si Bob Arum na balak sana niyang ilaban ang wala pang talo na 33-anyos na si Crawford kay Pacquiao o kaya kay Errol Spence Jr. (26-0, 21 KOs) pero inabutan naman ng coronavirus pandemic.

Samantala batay naman sa mga betting odds sa Vegas masyadong liyamado si Crawford na 14-1 favorite kumpara kay Brook (39-2, 27 KOs) ng Sheffield, England.

kell brook 1
Ex-IBF champion Kell Brook

Kung maalala bago ang bakbakan bukas lumaban si Brook sa mas mabigat na junior middleweight division sa tatlong beses.

Huling lumaban sa welterweight division si Brook noon pang taong 2017 nang ma-knockout siya ni Spence sa 11th round.