-- Advertisements --

Pumirma ng tatlong taong contract extension si Oralndo Magic center/forward Wendell Carter Jr. na nagkakahalaga ng $59 million.

Dahil dito, mananatili si Carter Jr. sa naturang koponan hanggang sa 2028 -2029 season.

Sa nakalipas na season, si Carter ay may average na 11pts per game gamit ang 52.5 shooting percentage. Hawak din ni Carter ang 8.5 rebounds per game sa loob ng kanyang karera sa NBA.

Ang 6’10 na si Carter Jr. ay ang No. 7 pick noong 2018 draft at pinili ng Chicago Bulls.

Noong 2021, na-trade siya sa Magic at naging malaking tulong para maabot ng koponan ang playoff sa pagtatapos ng regular season.

Sa nakalipas na offseason, naging abala ang Magic sa pagpapapirma kina Jonathan Isaac at Franz Wagner para sa kanilang extension. Kinuha rin ng koponan ang free-agent guard na si Kentavious Caldwell-Pope.