Nangako si US President Donald Trump na hindi tatanggapin ng kanyang administrayon ang kahit anong subpoena na ihahain sa kanya ng mga Democrats.
Ito ay para sa isinasgawa ng mga ito na imbestigasyon patungkol sa Tax return ni Trump at pati na rin ang kontrobersyal na pakikipagtulungan umano nito sa Russia noong 2016 presidential elections.
Inutusan niya rin ang kanyang mga opisyal na huwag susunod sa kahit anong legal requests na manggagaling sa mga demokratiko.
Una ng naghain ang presidente ng lawsuit upang maiwasan umano na ipasa ang kahit anong materyales sa korte.
Tinanggihan naman kahapon ng Justice Department ang request ng House Committee upang magsagawa ng interview sa isang opisyal ng Trump administration.
Ayon kay John Gore, deputy assistant attorney general sa Civil Rights Decision, hindi umano ito makikipagtulungan ang sa deposisyon na naka schedule ngayong araw kung hindi raw ito papayagan na magdala ng sariling abogado.
Hindi rin daw papatinag si Trump sa bantang pagpapatanggal sa kanya sa pwesto sa kabila ng pagbibigay ng otoridad ng US Constitution sa Congress para sa impeachment process.