-- Advertisements --
JOE BIDEN KAMALA HARRIS speech

Kumpiyansang kumpiyansa na idineklara ngayon ni dating Vice President Joe Biden na tuloy-tuloy na ang kanyang panalo bilang susunod na presidente ng Estados Unidos.

Ginawa ni Biden ang pahayag sa Wilmington, Delaware, sa kabila na hindi pa natatapos ang bilangan sa ilang natitirang mga estado.

Batay sa mga projections sa Amerika abanse na si Biden sa Nevada, Pennsylvania, North Carolina at Georgia.

Anuman ang maging pinal na botohan sa mga nabanggit na swing states makukuha na ni Biden ang 270 electoral votes o mahigit pa.

Ayon sa Democratic presidential candidate, napakaganda ng kanilang pakiramdam ngayon dahil alam nilang kapag natapos ang bilangan silang dalawa ni Sen. Kamala Harris ang tatanghaling panalo sa katatapos lamang na halalan.

Gayunman, binigyang linaw ni Biden wala pa silang inihahayag na final victory.

Pero malinaw aniya na makukuha nila ang majority at aabutin pa ang 300 electoral votes.

Nagpapakita raw ito na nasa likod nila ang buong bansa.

“We are going to win this race. Just look at what has happened since yesterday,” ani Biden habang katabi niya si Harris. “Twenty four hours we were behind in Georgia, now we’re ahead, and we are going to win that state. Twenty four hours ago we were behind in Pennsylvania, and we are going to win Pennsylvania. And now we are ahead, but we are winning in Arizona, we’re winning in Nevada, and in fact our lead just doubled in Nevada. We’re on track for over 300 electoral votes, electoral college votes. And look at the national numbers. We’re going to win this race with a clear majority, with the nation behind us.”

trump rally demo

Samantala, naikwento rin naman niya ang pakikipagpulong niya sa grupo ng mga eksperto kaugnay sa nakakabahalang krisis sa ekonomiya at malaking problema na dala ng COVID pandemic.

“The pandemic, as you also know, is getting more worrisome all across the country. Cases are skyrocketing. It’s believed we could see as many as 200,000 cases a day, and the death toll is approaching 240,000 lives lost. 240,000 empty chairs across America.”

Una rito, bago ang nangyari ang public address ni Biden, naging mainit din ang palitan nila ng pahayag ni US President Donald Trump sa social media.

Bagamat walang itinakdang address si Trump nagbabala ang Republican President na ‘wag daw magdedeklara ng panalo si Biden dahil kaya rin niya itong gawin.

Ayon pa sa incumbent President nagsisimula pa lamang daw ang legal battle at siya ay nasa “fighting form.”

Sagot naman ni Biden, wala raw puwedeng “mang-bully” sa kanila.

Sinabi ni Biden sa Twitter, kung si Trump daw ay kabi-kabila ang paghahain ng kaso upang ipatigil ang bilangan, bumuo na raw sila ng pinakamalaking “election protection” team sa kasaysayan.

TRUMP 1

Sinasabing nagsimula na rin ang democrats ng fund raising para sa legal team nila.

Ang mga kapanalig naman ni Trump sa Republicans ay nag-ambag ambag din ng malaking pera upang ilaban sa huling sandali ang White House.

Samantala, bilang sagot ng US Supreme Court sa petisyon ng abogado ni President Trump sa estado ng Pennsylvania, iniutos ng korte na ihiwalay ang pagbibilang sa mga boto na natanggap matapos ang halalan at bilangin ito ng hiwalay.

Pero ayon sa interpretasyon ng mga democrats nangangahulugan daw ito na status quo lamang sa nangyayaring bilangan sa ngayon.

Hindi rin daw sila nababahala hinggil dito.