-- Advertisements --

Naniniwala ang pamunuan ng Western Command (Wescom) na may basehan ang U.S. Embassy sa paglabas nito ng travel advisory sa Palawan kung saan pinagbawalan muna nito ang kanilang mga kababayan na bumiyahe sa nasabing lugar dahil sa banta ng terorismo.

Ayon kay Western Command chief Lt. Gen. Raul Del Rosario na hindi basta basta magbibitiw ng travel advisory ang embahada ng Amerika kung wala silang basehan.

Aniya, malaki ang network ng U.S. kaya may nakukuha din silang impormasyon.

Sinabi ni Del Rosario na sadyang protective lamang sa kanilang mga kababayan.

Pahayag ng heneral na batay sa sariling intelligence ng AFP hindi validated ang mga reports na kanilang natatanggap kaugnay sa banta ng terorismo.

Inihayag nito na kabilang sa kanilang nakuhang impormasyon ay ang gagawing pagsalakay ng mga bandido sa Coron, Palawan pero hindi ito validated.

Nakuha ng Wescom ang nasabing report na planong salakayin ng mga bandidong ASG ang Coron sa Palawan matapos ang insidente sa Bohol.