Nagwagi si Filipino chess player Wesley So sa Skilling Open Championship.
Ito ay matapos na talunin si world’s number 1 Magnus Carlsen.
Nangailangan pa si So ng playoff para talunin ang Norweigan player na natiyempuhan na kaarawan pa naman nito.
Sinabi ni So (Elo rating 2770) na sa una ay humihingi siya ng paumanhin dahil sa tila sinira nito ang pagdiriwang ng kaarawan ni Carlsen (Elo rating 2882).
Dahil sa panalo ay nakapag-uwi ito ng $30,000 bilang premyo.
“I have to apologize to Magnus for semi-ruining his birthday,” ani So. “I’m very shocked to beat Magnus.”
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tinalo ni So si Carlsen dahil noong November 2019 ay nasilat din ito ng Cavite native sa World Fischer Random Chess Championship sa Norway.
Magugunitang nirepresenta noon ni So ang Pilipinas kung saan siya ang number 1 bago tuluyang lumipat sa US chess federation at katawanin ang Amerika sa mga international competitions.
Dahil sa panalo ni So, tiyak na ang slot niya sa Champions Chess Tour final na merong siyam na legs kung saan ang first major ay magsisimula na sa December 26.