-- Advertisements --

bomb1

Personal na binisita ni Wesmincom Chief Lt. Gen Corleto Vinluan, ang mga sundalong nasugatan sa kambal na pagsabog sa Jolo noong Lunes.

Pinarangalan ni Vinluan ang lima sa 21 sundalong nasugatan at kasalukuyang naka-confine Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Ginagamot naman sa ilang pribadong hospital sa Zamboanga City ang mga nasa kritikal na kondisyon.

bomb2

Ginawaran ni Vinluan ng Wounded Personnel Medal ang lima na sina Sergeant Norman Santiago, Corporal Jesus Genora, Corporal Jeric Gil Villaluz, PFC Jay Carbon, PFC Jeffrey Domingo at Private Rocelo Abacial.

bomb3

“On behalf of the men and women of the Western Mindanao Command, I would like to extend my deep sympathies to the bereaved families of the victims who succumbed to death due to the mindless acts of terrorism,” wika pa ni Lt. Gen. Vinluan.

bomb4 1

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Vinluan sa pamilya nang mga nasawing sundalo.

Nakilala ang walong sundalo na sina SSg Louie Cuarteros, SSg Manauelito Oria, Pvt John Rey Paller, Pvt James Apolinario, Pvt Juvienjay Emlani, Pvt John John Agustin, Pvt Omar Muksan at Pvt Aiub Sahid.

Saludo naman si Vinluan sa ipinakitang kabayanihan ng mga nasawing sundalo kung saan ibinigay nila ang kanilang buhay sa pagsisilbi at pagprotekta sa taongbayan.

sundaloi 1

“Let us continue to pray for the eternal repose of the souls of those who were killed and for the speedy recovery of those who are recuperating in the hospitals,” pahayag pa ni Vinluan.