-- Advertisements --
ASG Sulu surrenders AFP
ASG surrenderees in Sulu (AFP file photo)

Kinumpirma ng militar sa Western Mindanao ang presensiya ng pitong foreign terrorists na naka-embed ngayon sa mga local terrorists group gaya ng Abu Sayyaf (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Western Mindanao Command (Wesmincom) commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sinabi nito na ang pitong foreign terrorists na kasakasama ngayon ng mga teroristang grupo sa Basilan, Sulu at Central Mindanao.

“Naka-embed sila, especially ‘yung mga, kasi within the Abu Sayyaf, merong ISIS inclined, within the BIFF may ISIS inclined din, in fact ‘yung Maute at Toraype, ‘yung ano, Daulah Islamiyah at Toraype ‘yun, ‘yung kwan di ba breakaway from the BIFF pero within the BI. Si Bungos is inclined pero si Karialan hindi, parang ganun,” ani Sobejana.

Tinuturuan umano ng mga banyagang terorista ang mga local terrorists sa paggawa ng mga improvised explosive device (IED) kasama na rito ang pag-train at pagpili kung sino ang maaari maging susunod na suicide bomber.

Tumanggi naman si Sobejana na tukuyin kung anong mga nationalities ang pitong foreign terrorists at kung paano nakapasok sa bansa ang mga ito.

Inamin ni Sobejana na mga ISIS-inclined ang pitong foreign terrorists na nasa Western Mindanao ngayon.

Hinimok naman ng heneral ang publiko na maging alerto at mapagmatyag lalo na kapag may napapansing kahina-hinalang bagay o indibidwal kaya dapat i-report kaagad sa mga otoridad.