Mga combat and battle-tested officers ang itatalaga bilang mga ground commanders sa ilalim ng operational control ng Western Mindanao Command (WESMINCOM).
Ito’y kasunod ng ipinatupad na rigodon o pagpalit ng mga commanders sa field.
Ayon kay Wesmincom chief LtGen. Cirilito Sobejana, dumadaan sa matinding selection process ang mga ground commanders na pinipili para mamuno sa isang brigade at battalion.
Sinabi ni Sobejana, mahalaga na ang isang commander ay may alam sa dynamics sa battle field lalo na at may mataas na bilang ng mga local terrorists groups ang nag operate sa Wesmincom area.
Kamakailan, isang battle-seasoned military officer ang nag assume bilang bagong commander ng 101st Brigade at Joint Task Force Basilan.
Si Col. Domingo Gobway ang pumalit sa pwesto ni BGen. Fernando Reyeg.
Si Gobway ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class of 1990.
Habang si Reyeg naman ay mag assume bilang Assistant Deputy Chief of Staff for Education and Training o AJ8.
Sa mensahe ni Col. Gobway, gagawin nito ang lahat ng makakaya, magkaisa para talunin ang mga kalaban.
Naniniwala si Sobejana na kapag may sapat na experience sa battle field ang mga uupong commanders,hindi malayong magtagumpay sila sa kanilang operasyon.