Iginiit ng Malacañang na kailangan pang imbestigahan ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ang sinasabing pagdami ng foreign fishing vessels sa karagatan ng Pilipinas.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng lumabas na report ng grupong Karagatan Patrol na nagsasabing mula 2012, dumami na ang commercial fishing vessels mula sa ibang bansa.
Batay ito sa monitoring nila gamit ang visible infrared imaging radiometer suite.
Bagama’t hindi pa matukoy ang identity ng mga fishing vessels, inihayag ng grupo na posibleng galing ito sa China, Vietnam at Taiwan.
Idinagdag ng grupo, pinangangambahang maapektuhan nito ang marine resources ng bansa.
Inihayag naman ni Sec. Panelo na hindi pa validated ang report na ito at kailangan pang alamin ng gobyerno.