Kinundena ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Armed Forces of the Philippines ang brutal na pananambang sa election officer ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kahapon(march 26) ay tinambangan si Atty. Bai Maceda Abo at kaniyang asawa na si Jojo Abo sa Maguindanao del Norte na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.
Kasabay ng pagluluksa at pagdadalamhati sa pagkamatay ng election officer at kaniyang asawa, umapela ang naturang command sa mga mamamayan na panatilihin ang pagiging mahinahon habang nagpapatuloy ang pag paghahanap ng hustisya.
Nakikipagtulungan na rin ang AFP sa joint investigation upang matukoy kung sino ang gumawa sa pananambang at tuluyang mahuli ang mga ito.
Samantala, inatasan na rin ni WesMinCom Chief, LtGen. Antonio Nafarrete ang Joint Task Force Central na makipag-ugnayan sa Police Regional Office β Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) para sa agarang ikadarakip ng mga gunmen.
Magtutulungan din ang AFP at Philippine National Police para mapalakas ang seguridad sa buong rehiyon at mapigilan ang anumang tensyon at posibleng pagtindi pa ng sitwasyon.
Apela ng WesMinCom sa bawat mamamayan na makipagtulungan ang mga ito sa security sector at huwag itago ang mga kriminal na gumawa sa panibagong karahasan.
Giit ng command, walang lugar ang mga ito sa komunidad at wala silang karapatang dungisan ang peace covenant na umiiral sa buong Bangsamoro Region.