Naniniwala ang Malacañang na posibleng mapag-usapan sa working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang usapin kaugnay sa West Philippine Sea.
Ngayong buwan ang nakatakdang biyahe ni Pangulong Duterte sa China na ikalimang beses nang pagbisita sa nasabing bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makikipagpulong si Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping at maliban sa isyu ng West Phil Sea ay posible ring matalakay sa pulong ang panukalang joint oil exploration sa China.
Ayon kay Sec. Panelo, maaari ring matalakay ng dalawang lider ang usapin hinggil sa pagsugpo sa terorismo, illegal drugs, cultural exchanges, people-to-people ties at financing.
Lumutang din ang usapin na isasabay ng Pangulo ang China visit sa huling linggo ng buwan para makapanood din siya sa unang laro ng Team Pilipinas.
Ito na ang ikalawang beses na pagbisita ni Pangulong Duterte sa China ngayong taon.