Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip at ito ay atin.
Sinabi ng Pangulo na mananatili itong atin hanggat nag-aalab ang diwa ng minamahal nating bansang Pilipinas.
Ang pahayag ng Presidente ay kasunod sa nagpapatuloy na tensiyon sa nasabing rehiyon.
Magugunita na patuloy ang pagiging agresibo ng China sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Pinuri naman ni Pang. Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, at maging ang mga mangingisda dahil sa kanilang ginawang pagmamatyag at sakripisyo para maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas.
Naniniwala din ang Pang. Marcos na ang tanging solusyon para maibsan ang tensiyon sa nasabing rehiyon ay sa pamamagitan ng pagsunod sa international rules based order.