Iniulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na asahan sa susunod na taon ang dalawa hanggang tatlong negotiations kaugnay sa paggawa ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Inihayag ni Manalo na kabilang sa mga naging sagabal sa negosasyon kaugnay sa sea conduct at ang technical issues mula sa ibang party na kinabibilangan ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China.
Ang limang ASEAN members ay kinabibilangan ng Brunei, Malaysia, Indonesia, Philippines at Vietnam—China at Taiwan na nakikipagkumpitensya sa pag-angkin sa West Philippines Sea.
Idinagdag niya na mayroon nang “declaration of principles” sa West Philippines Sea na pinagtibay ng dalawang dekada na ang nakalilipas, at nais ng mga kinauukulang partido na “itayo iyon.”