ILOILO CITY- Nanguna ang West Visayas State University sa Top Performing Schools sa November 2022 Nursing Licensure Examination, batay sa Professional Regulation Commission.
Pinakamarami ang nakapasa sa West Visayas State University na may 100%.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente ng nasabing unibersidad, sinabi nito na labis ang kanyang pasasalamat na matapos na 100 porsyento ng kanilang graduate ang nakapasa sa pagsusulit.
Anya taon-taon anya layunin nila na manguna sa pagsusulit sa buong Pilipinas.
Ayon naman kay Ma. Luisa Pelayo, ng Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City, at isa sa graduate ng West Visayas State University na nakapasok sa Top 10, hindi sila halos makapaniwala na 19 sa 134 na kumuha ng pagsusulit ang makakapasok sa Top 10.
Sa nasabimg bilang, isa ang top 2, isa ang top 3, apat ang top 4, tatlo ang Top 6, dalawa ang Top 7, lima ang Top 8, at tatlo ang Top 10.
Napag-alaman na sa 24,903 na kumuha ng pagsusulit, 18,529 o 74.40% ang nakapasa.